Nakuha ang impormasyon tungkol sa pamumuhay ng mga unang tao sa pamamagitan ng kanilang labi tulad ng mga bungo, buto at mga kasangkapang kanilang naiwan. Malalaman ang kanilang mga gawain sa pamamagitan ng pagbibigay pansin sa mga bagay na nakapaligid sa kanilang mga labi. Tinatayang 500,000 taon na ang nakaraan nang unang gumamit ng mga bagay bagay ang tao sa kanyang pagsusumikap na mabuhay.
RELATED POST:
Ang mga Unang Kabihasnan
Mga Unang Tao at Kanilang Distribusyon
Ang Konsepto ng Asya
Pisikal na Heograpiya ng Asya
Ang Klima sa Asya
Lokasyon ng Asya
Ang Konsepto ng Asya
Pisikal na Heograpiya ng Asya
Bakit mahalagang pag-aralan ang Asya
Ang Klima sa Asya
Katangiang Pisikal ng Asya
Kahalagahan ng Monsoon sa Asya
Katangiang Pisikal ng Timog Asya
Mga Rehiyon sa Asya
Katangiang Pisikal ng Silangang Asya
Katangiang Pisikal ng Kanlurang Asya
We are giving FREE Selling and Business Consultation; please click the link below,
Mga Yugto ng Pag-unlad ng Kultura ng Unang Tao
| |
Panahon
|
Katangian ng Pag-unlad
|
|
Paleolitiko- sa panahong ito nabuhay ang Proconsul Australopithecus, Homo habilis, Homo Erectus at Homo sapiens
|
· Pagala-gala ang mga tao sa paghahanap ng pagkain at walang permanenteng tirahan. Sa yungig sila tumitira upang maging ligtas sa lamig ng panahon.
· Pangangaso at pangingisda ang ikinabubuhay ng mga tao, gamit ang kanilang mga kamay.
· Gumagamit sila ng mga tapyas ng bato bilang sandata at kasangkapan sa pangangaso at pangingisda.
· Natuklasan ang paggamit ng apoy bilang pagpapainit ng katawan, panakot sa mababangis na hayop at panluto ng pagkain.
· May konsepto ng sining batay sa ipininta ng tao sa loob ng yungib ng France at Spain.
|
Mesolitiko
Nangangahulugang Gitnang Panahon ng Bato. Batay sa salitang Griyegong meso, na ang ibig sabihin, gitna. Panahon ng pagproprodyus.
|
· Suliranin ang panustos na pagkain dulot ng mga pagbabago sa klima.Nakaranas ang Africa ng tagtuyot dahil sa matinding init ng panahon.
· Nagsimulang mag-alaga ang tao ng mga hayop tulad ng aso.
· Natutong gumawa at gumamit ng mga kasangkapang kahoy ang mga tao tulad ng palakol adze at gouge.
· Nalinang ang pagkakarpintero at pag-iimbento ng mga bagay na gawa sa kahoy tulad ng paragos (sleigh) ang kauna-unahang sasakyang naimbento ng tao.
|
Neolitiko
|
· Nagsimulang magtanim at magsaka ang
mga tao.Bunga nito,naging permanente ang paninirahan ng mga tao.
· Nagsimula ang pagpapalayok. Natutuhan ang paggawa ng mga bagay na gawa sa putik tulad ng bricks na ginagamit sa paggawa ng bahay.
· Natutuhang pakinisin ang mga magaspang na bato at ginawang ibat-ibang hugis at laki ayon sa kanilang gamit.
· Natutuhang gamitin ang mga inaalagaang hayop tulad ng kabayo, baka at asno bilang sasakyan o tagahila ng paragos at karwahe.
· Nagsimula ang konsepto ng palengke kung saan higit na maayos ang sistema ng palitan ng mga produkto ng mga tao.
|
Panahon ng Metal
Panahon ng Tanso
|
· Tanso ang kauna-unahang natuklasang uri ng metal na nakuhang nakahalo sa buhangin sa gilid ng ilog Tigris.
· Higit na matigas ang tanso kaysa ginto at nahuhulma sa iba`t-ibang hugis na nais ng tao.
· Nalinang nang mabuti ang paggawa at pagpapanday ng mga kagamitang gawa sa tanso.
· Unang ginamit sa mga lugar sa Asia, Europe at Egypt.
|
Panahon ng Bronse
|
· Natutuhan ng tao na paghaluin ang tanso at lata (tin) upang makagawa ng higit na matigas na bagay-ang bronse o pulang tanso. Ginamit ito sa paggawa ng mga armas tulad ng espada, palakol, kutsilyo, martilyo, punyal, pana, at sibat.
· Natutong makipagkalakalan ang mga tao sa mag karatig pook.
|
Panahon ng Bakal
|
· Natuklasan ng mga Hettite ang pagtunaw at pagpanday ng Bakal. Inilihim nila ang kaalaman ng pagtunaw at pagpapanday ng bakal kung kaya umunlad ang kanilang kabihasnan at madalas ang pagwawagi sa mga digmaan.
· Lumaganap sa buong Africa, Asia at Europe ang paggamit ng bakal.
|
RELATED POST:
Ang mga Unang Kabihasnan
Mga Unang Tao at Kanilang Distribusyon
Ang Konsepto ng Asya
Pisikal na Heograpiya ng Asya
Ang Klima sa Asya
Lokasyon ng Asya
Ang Konsepto ng Asya
Pisikal na Heograpiya ng Asya
Bakit mahalagang pag-aralan ang Asya
Ang Klima sa Asya
Katangiang Pisikal ng Asya
Kahalagahan ng Monsoon sa Asya
Katangiang Pisikal ng Timog Asya
Mga Rehiyon sa Asya
Katangiang Pisikal ng Silangang Asya
Katangiang Pisikal ng Kanlurang Asya
We are giving FREE Selling and Business Consultation; please click the link below,
We prepare Speech and Messages; please click the link below,
